When I was a kid I told myself that one day I will be the President of the Philippines! We are all lucky that my childhood wish did not come true. We would have been worse than Greece. But then again, I would have handled the State of the Nation Address like this!
- Para po sa mga nagbihis ng maayos gaya ni Sen. Nancy, baka lamigin po kayo sa aking 2 hour SONA kaya pabibigyan ko po kayo ng isang shawl, padadala ko po sa inyo ang Panatag Shawl para matahimik na kayo at mapanatag.
- Para po sa transparency, gusto ko pong sabihin na ultimo mga magra rally ay binigyan namin ng free transpo…libre po ang MRT from 3-6pm…kaya nagtataka po ako bakit konti lang ang nag rally …na late siguro.
- Dumako naman tayo sa Ahensya ng manufacturing..nasabihan po ako na bagsak po ang ahensyang ito at kelangan ng pera para umunlad. I would like to recommend the next President to get Ms. Janet Napoles as secretary for manufacturing. She will definitely manufacture a way to get the needed funds.
- Sa dakong Edukasyon naman: Sa taong 2016 full blast na po ang K12 natin. Ito po ay isang upgrade dahil tandaan niyo po ultimo ang mga Aso ay may K9 education at ang mga pusa naman ay may K10.
- Nung dumalaw po ako sa Bicol University ay nasabi ng kanilang Presidente na third year pa lang daw ay hired na ang kanilang mga estudyante. Kaya nga po sinabihan ko na magdagdag na rin sila ng BPO Courses at palitan ang name ng kanilang school into BICOL CENTER….maraming Bicol Agent jan.
- Eto na ang mga bagong TESDA Courses na aming pang na-simulate sa University of Makati. Ang mga bagong course ay World Class Building Assembly, Election Machinery, Senior Citizen Cake Pricing & Tasting, Security Guard Arguing 101, Mayor's Couch Sleeping at SONA Balloon Fashion designing.
- Marami po ang umaangal sa DOLE na wala na pong trabaho. Kaya pagsasamahin na natin ang Department of Employment Labor Manufacturing Ombudsman National Technology & Energy para labanan ang DOLE, papangalanan natin siyang DEL MONTE.
- Hindi po ako perpektong tao kaya nga po humingi ako ng tulong sa Makati Business Club kung paano maging perpekto, ngayon po ay Mentor ko na ang head ng Makati Business Club si Peter Perfecto.
- Prioirty for Legislation ay ang No Typhoon law…siguro pag naipasa na ito ay wala nang bagyong darating sa Pilipinas dahil malamang masama na ang panahon.
- Isasama na namin sa 1.3 Trillion budget ang pagbayad sa RH Bill na yan.
- Sa Infrasctructure naman, malapit napo ang completion ng Tarlac Pangasinan La Union Expressway or TPLEX . Bale magpapagawa po kami ng maraming ganyan para matawag po siyang MulTPLEx!
- Ngayon may isa pang daaan na masisilbing bitamina ng bayan ang NUeva ecija, Tarlac, Rosario, Pangasinan, La Union Expressway or Nutroplex! Sa Nutroplex, Bilis Alala, Bilis React, Bilis ng daanan!
- Isama mo na ang malapit nang matapos na Cainta Ortigas Rizal Novaliches Pampanga La union EXpressway or Cornplex. Para lahat ito sa daang matuwid.
- Magpapagawa po tayo ng Quake Drill para mapaghandaan ang parating na sakuna. Sinabihan ko na po si MMDA Chair Francis Tolentino na bilisan po ang pagsasagawa nito dahil kung matagal ang pag implement nito ay hindi na po ito Quake Drill.
- Dahil po sa pag expose ang more than 600 sister cities ng Makati, ipapatigil po muna natin ito pwera lang po ang mag sister cities na Navotas and Tacloban, at ng Bawang and Antique. Sila lang ang matitira.
- Starting August ipapasara muna ang MRT 3 at by September magtataas ng pasahe. Wag munang aalma, kasi ang dagdag pasahe ay para sa tatlong loop sa Cubao station at ang pagdaan sa Shangrila Cinema. Eh di WOW!
- Aking itatalaga si Iloilo Congressman, Neil Tupas Jr. para tumulong sa pagpugsa sa mga Carnappers dahil tulad ng mga sinasabi nila, Congressman Niel is “Tupas and Too Furious!”
- Makakasama ni Cong Neil si Sec Mar Roxas. Dahil si Mar ang magsasabi sa inyo kung sino ang ipadadakip gaya ng nahuling Martilyo Gang. That was because Mar-Tell-You the culprits.
- Gusto ko rin po magpasalamat sa mga taong napakalaki ng tulong sa akin:
- COA Chief Grace Pulido –Tan – Hail Coa full of Grace. Salamat po at dahil sa inyo nabunyag ang PDAF scam. Tunay na Pulido kayo trumabaho at marami kaming magandang asal na sa inyo ay mapu PULuTAN!
- Commissioner Kim Henares – Thank you sa collection ng money, we welKIM it all with open arms.
- Conchita Carpio-Morales – Kayo po ay laging pinupuri at never nasasabihan ng di magandang pananalita kasi po you are never More you are never less coz you're Morales.
- Supreme Court Justice Ma. Lourdes Sereno, hindi po Sha Sirena…pero Sereno po sha. Sa bilis ng hustiya sa Pilipinas, lahat ng nademanda naka demanda pa rin. Kayo po ay may funding pero trabaho niyo panay pending.
- Cherry Reyes – Salamat sa aking Buhok. Paki sabi kay Chot magta tryouts po ako sa Gilas.
- Lastly, gusto ko sanang pag usapan natin ang mga plano para sa Mamasapano at SAF 44 pero ..(long pause) late na po ako sa dinner ko with My Mitsubishi friends kaya next time na lang po....(Ang mean ano) Good day.